Namangha ang mga netizens sa realism portraits na ibinahagi ng isang Fine Arts student mula sa San Jose del Monte City, Bulacan tampok ang ilang karakter mula sa hit anime series na “One Piece”.
Ayon sa artist na si Jhon Mhon Madrigal, karamihan sa kaniyang mga obra ay iginuhit gamit lamang ang colored pencils at gouache paint.
Ani Jhon, labis niyang ikinatuwa ang balitang magkakaroon na ng live-action adaptation ang paborito niyang anime series kaya naman wala raw siyang pinalampas na oras at agad niya itong pinanood.
Matapos panoorin ang paboritong series, sinimulan na niyang iguhit ang mga cast nito.
Proud ding ibinahagi ni Jhon na napansin umano ng ilang cast members gaya nina Iñaki Godoy, Jacob Gibson, at Taz Skylar na gumanap bilang sina Monkey D. Luffy, Ussop, at Sanji, ang mga iginuhit niyang fan art.
Maaaring makita ang mga obra ni Jhon sa kaniyang Instagram account na @jeem_arts.
Source: Be An Inquirer
📸: @jeem_arts (Instagram)
#GoPhilippines #GoBulacan #Bulacan #SanJoseDelMonte