Pinangalanan ni Pangulong Bongbong Marcos si House Deputy Speaker at Batangas 6th District Congressman Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance o DOF.

Nakatakdang manumpa ni Recto ngayong araw. Si Recto umano ang papalit sa dating posisyon ni Benjamin Diokno.

Magbibitiw sa kanyang mga puwesto bilang Congressman at bilang isa sa mga Deputy Speaker ng House of Representatives si Recto upang pagtuunan ng pansin ang bagong departamentong kaniyang pamumunuan.

Nagsilbi si Recto ng tatlong termino sa senado, bilang Senate President Pro Tempore at Senate Minority Leader.

Source: Philippine News Agency/FACEBOOK

Photos from Ralph Recto and Radyo Pilipinas (Facebook)

#GoPhilippines #GoBatangas #Batangas