Namayapa na ang batikang aktor mapa-pelikula at telebisyon na si Ronaldo Valdez.

Ito ang gumulantang na balita nitong Linggo, ika-17 ng Disyembre.

Hindi pa naman umano kumpirmado kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng aktor.

Samantala, nakilala sa kaniyang karera bilang aktor si Valdez sa loob ng halos limang dekada nitong paggampan sa iba’t ibang karakter sa industriya.

Kabilang na rito ang mga pelikulang May Minamahal, The Mistress, at Seven Sundays, gayundin ang kamakailang proyekto nitong karakter na si Lolo Sir sa TV Series na 2 Good 2 Be True.

Pumanaw siya sa edad na 76.

Source: Inquirer; ABS-CBN News

Photo from ABS-CBN Entertainment

#GoPhilippines