Pinusuan ng mga netizens ang viral video ng marriage proposal ng seaman na si Mark Castro Magnaye para sa kaniyang nobyang si Wenzel Joy Odoño sa LRT-1 Bambang station.
Kwento ni Wenzel, susunduin lamang sana niya ang kaniyang boyfriend na si Mark sa airport ngunit laking gulat niya nang makita niya ito sa LRT na may dalang bulaklak at singsing.
Matapos iabot ang bulaklak ay agad na lumuhod si Mark at tinanong ang nobya ng “Will you marry me?”.
“Akala ko susunduin kita sa airport pag baba ng barko pero mas maaga pa pala baba mo at may surprise ka pa,” caption ni Wenzel sa kaniyang trending na TikTok video.
Pagbabahagi niya, sa naturang LRT station din sila unang nagkita at nagkausap ni Mark taong 2021.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 2.5 million views sa TikTok ang nasabing video.
Nakatakdang ikasal ang dalawa sa 2024.
Source: GMA News
Photo: Wenzel Odoño (Facebook)
#GoPhilippines #GoManila #Manila