Nabasa niyo rin ba ang istorya ni Tatay Romy?

  • Twitter

Nakilala ng isang mobility advocate na si Buji Babiera si Tatay Romy kasama ang kaniyang dalawang anak sa isang tulay sa Maynila, na bumiyahe umano ng higit apat na oras sa gitna ng napakainit na panahon.

Bumiyahe silang maga-ama upang humingi ng tulong sa isang charitable institution ngunit sa pagbabakasakali, ay hindi niya inabot ang cutoff nito.

Babyahe muli sila ng apat na oras pauwi at walang dala.

  • Twitter

Napukaw ang puso ng netizens sa kwentong ito ng maga-ama, na bagamat bigo sa kanilang isinadya, ay nananatili pa ring matatag para sa mga bata.

Dahil rito, nagtulong-tulong ang netizens na makabuo ng donasyon para sa pamilya ni Tatay Romy, na ngayo’y nagma-may-ari na ng isang bagong electric vehicle.

  • Twitter

“Maraming maraming salamat sa inyong lahat ng tumulong. Talagang nasurpresa ako, hindi ko akalain na magkakaganito ang buhay ko,” pasasalamat ni Tatay Romy.

  • Twitter

Source/Photos: First Ride Bike/FACEBOOK

#GoPhilippines #GoParañaque #Manila