Fan ka rin ba ng Studio Ghibli?
Kung oo, hindi mo na kailangan pang mag-ibang bansa upang mabisita lamang ang mga iconic na tampok sa mga pelikula nila dahil tiyak na magugustuhan mo ang patok ngayong pasyalan na Studio Ghibli-inspired na Christmas Village sa Bayambang, Pangasinan.
Ipinasilip ni Mayor Nina Jose Quiambao ang mga disenyo’t palamuti sa naturang christmas village na hango sa mga movies ng Studio Ghibli, na isang Japanese animation studio.
Kabilang na rito ang mga palamuting may temang mula sa Howl’s Moving Castle, Spirited Away, My Neighbor Totoro, at The Cat Returns.
Source/Photos: Mayor Nina Jose Quiambao
#GoPhilippines #GoPangasinan #Bayambang #StudioGhibli