Namayapa na ang nag-iisang elepante sa Pilipinas na si Vishwamali, o nakilala bilang si Mali.

Idineklara itong wala nang buhay nitong ika-28 ng Nobyembre, dakong 3:45 ng hapon.

Namalagi hanggang apat na dekada si Mali, na nagbibigay aliw sa mga turistang bumibisita sa Manila Zoo.

Kasalukuyan nang isinasagawa ang isang necropsy sa mga labi ni Mali upang masuri kung ano ang dahilan ng pagkasawi nito.

Pumanaw si Mali sa edad na 49.

Source: Inquirer.net; Philippine News Agency

Photo from Philippine News Agency

#GoPhilippines #GoManila #Manila